pagmamadali
Tuesday, September 10th, 2002sa ating buhay ngayon
araw araw tayong nagmamadali
gustong matapos ang lahat
ayaw ng nahuhuli
madalas nakakaligtaan
ang sariling kapakanan
mga simpleng bagay napapabayaan
ang lahat ng ito ba’y para saan?
sa atin bang pagkataranta
nararamdaman ba ang saya?
ang katuturan ba ng buhay
nalalasap natin ng tunay?
sa bawat pagmamadali
buhay natin mabilis umiikli
dahan dahan lang kaibigan
buhay ay ‘di nakikipaghabulan